7 bayan sa Ilocos Sur, nagpatupad na ng forced evacuation

by Radyo La Verdad | September 14, 2018 (Friday) | 4633

Patuloy na naka-alerto ang pamahalaan ng Ilocos Sur kaugnay sa pananalasa ng Bagyong Ompong.

Mahigpit na minomonitor ngayon ng lokal na pamahalaan ng Ilocos Sur ang mga residente sa coastal barangay at moutainous area dahil sa posibleng pagkakaroon ng landslide at storm surge.

Ayon kay Ilocos Sur Governor Ryan Luis Singson, naka alerto ngayon ang buong probinsya lalo’t may posiblilidad na mag-exit sa Vigan City ang Typhoon Ompong.

Nagsagawa na ng forced evacuation sa pitong munisipyo na karamihan ay malapit sa dagat.

Naka-standby rin ang rescue personnel, rescue equipment at mga truck sa harap ng kapitol na gagamitin sa pag-evacuate.

Target ng Ilocos Sur Government ang zero casualty sa pananalasa ng Typhoon Ompong.

 

( Toto Fabros / UNTV Correspondent )

Tags: , ,