7, arestado sa 2 magkahiwalay na anti-illegal drug operation sa Quezon City kagabi

by Radyo La Verdad | October 19, 2018 (Friday) | 4217

Arestado ang pitong drug suspek sa magkahiwalay na anti-illegal drug operation sa Quezon City.

Unang nadakip ang tatlong miyembro ng isang pamilya at isa pang kasabwat ng mga ito sa barangay San Martin De Porres sa Quezon City alas otso kagabi.

Ang mga ito ay ang padre de pamilya na si Renato Corpin, 62 anyos, anak na si Joana Abordo, 34 anyos, manugang na si Ramram Abordo at ang kanilang parokyano na dati na rin nakulong sa iligal na droga. Nakumpiska sa apat ang labing isang sachet ng hinihinalang shabu at 500 pesos buy bust money.

Samantala, alas nuebe naman ng gabi nang maaresto ang tatlong lalaki sa anti-criminality operation ng mga tauhan ng PCP 3 Drug Enforcement Unit ang isang bahay sa Purok 1 sa Barangay Culiat sa Quezon City pa rin.

Naabutan pa ng mga pulis ang mga suspek na bumabatak pa ng shabu na sina Jay-r Locillado, Russel Delos Santos, at Aaron Correa 18 anyos.

Nakuha sa mga suspek ang 3 sachet ng suspected shabu at drug paraphernalia. Nahaharap ang mga suspek sa kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

( Reynante Ponte / UNTV Correspondent )

Tags: , ,