69% ng air pollution sa bansa, galing sa usok ng mga sasakyan

by Radyo La Verdad | June 15, 2016 (Wednesday) | 4352

USOK
Lumabas sa pag-aaral ng Department of Environment and Natural Resources o DENR na 69% ng polusyon sa hangin sa buong bansa ay galing sa usok ng mga sasakyan.

Dahil dito sa air pollution noong 2013 ay mahigit sa 3 milyon ang nagkasakit ng mga respiratory disease
Kaya naman planong magpapatupad ng iba’t ibang paraan upang maibaba sa allowable level na itinakda ng clean air act ang antas ng polusyon sa bansa.

Para magawa ito plano ng pamahalaan na ipatupad ang no-contact anti-smoke belching operation at ang panghuhuli sa mga kumpanyang lumalabag sa emission standars at nag-ooperate ng walang permit.

(UNTV RADIO)

Tags: