69 na barangay sa Quezon City, itinalagang firecracker zone

by Radyo La Verdad | December 29, 2017 (Friday) | 4420

Maari pa ring gumamit ng mga paputok ang mga residente ng Quezon City kasabay ng pagpapalit ng taon. Ngunit dapat ay hindi ito mga ipinagbabawal na paputok at gagamitin lamang sa mga designated fireworks area.

Mula sa mahigit isang daang mga barangay sa buong lungsod, 69 sa mga ito ang pinahintulatan na magkaroon ng fireworks zone.

Partikular na itinalaga ng Quezon City Government na fireworks zone, ang lugar gaya ng Park Plaza at iba pang mga open areas sa lungsod. Ilan sa mga ito ay ang barangay Sangandaan, Tandang Sora, North Fairview Greater Lagro, Old Balara Batasan Hills at iba pa. Babala ng QCPD, ang sinomang lalabag sa firecracker ban ay huhulihin at papatawan ng kaukulang parusa.

Samantala, umaangal naman ang ilang nagtitinda ng paputok sa lungsod dahil sa matumal na bentahan. Ang iba sa ating mga kababayan, mas pinipili na lamang na bumili ng mga torotot, dahil mas ligtas at abot-kaya itong gamitin.

 

( Joan Nano / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,