67% ng Pinoy, hindi pabor na baguhin ang Konstitusyon – Pulse Asia

by Radyo La Verdad | July 16, 2018 (Monday) | 6049

(File photo from Presidential Communications)

67 percent ng mga Filipino ang hindi sang-ayon sa charter change.

Ito ang lumabas sa pinakabagong Pulse Asia survey na isinagawa noong ika-15 hanggang ika-21 ng Hulyo dalawang linggo bago isumite ng Consultative Committee (ConCom) ang draft ng panukalang federal constitution.

Sa 67%, 37% dito ang tutol sa pagpapalit ng Saligang Batas, habang 30% naman ang nagsasabing tutol sila pero bukas sila sa charter change sa mga susunod na panahon.

Ang pagpapalit ng konstitusyon ay may kaugnayan sa panukalang pagpapalit sa federal form of government na isa sa pangunahing panukalang batas ng Duterte administration.

 

 

Tags: , ,