67% ng kabuoang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, mula sa NCR

by Erika Endraca | May 4, 2020 (Monday) | 7047

METRO MANILA – Naitala sa National Capital Region (NCR) ang 6,008 0 67% ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Batay sa tala ng Department Of Health (DOH) Kahapon (May3) ang 3 Brgy na may pinakamaraming kaso sa NCR ay ang Brgy Addtion HIills sa Manadaluyong, Brgy Tandang Sora sa Quezon City at Bgry San Antonio sa Pranaque.

Noong Biyernes (May 1) naman pumangalawa sa NCR ang Brgy Kalunasan, Cebu City kung saan naiatala ang 116 0 41% ng 284 na bagong kaso ng COVID-19

Sa Brgy. kalunasan matatagpuan ang Cebu City Jail, ang itinuturing “most populous jail” sa Pilipinas.

“Dahil dito puspusan po ang pakikipag-ugnayan ng doh sa mga lgu upang ma-contain ang virus sa ncr at sa mga closed- setting facilities tulad ng bilangguan sa brgy kalunusan.” ani DOH Spokesperson Usec Maria Rosario Vergeire .



Samantala, 41 sa 81 probinsya sa bansa ay wala pang naitatalang kaso ng COVID-19 sa loob ng 2 Linggo, mula April 18 hanggang May 2, 2020



Ito ay ang 
agusan Del Sur, Aklan, Apayao, Aurora, Basilan, Batanes, Biliran, Bohol, Bukidnon, Camarines Norte, Camiguin, Capiz, Compostela Valley, Cotabato, Davao Occidental, Davao Del Norte, Davao Oriental, Dinagat Islands, Eastern Samar, Guimaras, Ilocos Norte, Ilocos Sur and KIalinga.

ang ilan pang probinsyang wala pang naitatalang COVID-19 cases ay sa:

Maguindanao, Masbate, Mountain Province, Negros Oriental, Northern Samar, Pangasinan, Quirino, Romblon, Sarangani, Siquijor, Sorsogon, South Cotabato, Southern Leyte, Surigao Del Norte, Surigao Del Sur, Tawi-tawi, Zamboanga Del Norte And Zamboanga Sibugay.



Mahigpit ang bilin ng DOHsa mga LGU na bantayan ng maigi ang mga border ng kanilang mga lugar upang mapanatiling COVID-19 free ang mga ito.



At mahigpit na ipatupad ang mga minimum health measures gaya ng pagsusuot ng mask, pagpapanatili sa physical distancing, paghuhugas ng kamay at pagpapanatiling malakas ang katawan at immune system.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: , ,