Lumagda na kahapon sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang National Housing Authority (NHA) at mga pinuno ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) para sa pamamahagi ng itinatayong pabahay ng pamahalaan para sa mga pulis at sundalo sa Davao City.
Noong nakaraang taon, sinimulan ang pagtatayo ng animnaraan at apatnapung condo style housing unit sa Madayaw Residences, Kadayawan Homes sa Bankal, Davao City. Target itong matapos at maipamahagi sa 2019.
Batay sa kasunduan, 45% nito ay ipamamahagi sa mga sundalo, 45% sa mga pulis at ang natitirang 10% ay para sa iba pang uniformed personnel.
Ayon sa NHA, bagamat hindi lahat ng aplikante ay makakakuha ng libreng pabahay sa 2019, hindi umano dapat mag-alala ang mga ito.
Naghahanap na rin aniya ngayon ng lupang matatayuan ng karagdagang housing project.
( Janice Ingente / UNTV Correspondent )
Tags: Davao City, housing unit, sundalo at pulis