64 kongresista na ang pumirma sa resolusyon upang i-override ang veto ni Pangulong Aquino sa P2,000-SSS pension hike bill.
Ayo kay Bayan Muna partylist Rep. Neri Colmenares, patuloy ang kanilang pangangalap ng pirma ng iba pang mga mambabatas at umaasang makakamit nila ang target na 192 signatures o 2/3 ng kabuuang bilang ng House members.
Ilan sa mga nagpahayag ng suporta sa override sa veto ni Pangulong Aquino ay sina Rep. Lino Cayetano, Sol Aragones, Kimi Cojuangco, Toby Tiangco, Marcelino Teodoro, Arthur Yap at Recom Echiverri.
Noong isang linggo, 57 ang nauna nang pumirma sa override resolution na pinangunahan ni Colmenares at ng mga kasamahan nito sa Makabayan Bloc.
Noong huling araw ng sesyon ay nabigo si Colmenares na maisulong ang override sa House plenary matapos ang biglaang pag-adjourn ng sesyon.
Sa pagri-reconvene ng Kongreso sa May 23 bilang Board of Canvassers, muling pipilitin ni Colmenares na maikasa sa plenaryo ng Kamara ang override.
Tags: Bayan Muna Party-list Rep. Neri Colmenares, pension hike, SSS