Presidential federal system, napili na maging modelo ng pamahalaan sa ilalim ng bagong Saligang Batas

by Radyo La Verdad 1350 | February 28, 2018 (Wednesday) | 3249
Sa botong 11 to 7, mas pinili ng Consultative Committee (Con-Com) ang presidential federal system kaysa sa hybrid o semi-presidential system.

 

Mananatiling presidential system ang pamahalaan ng Pilipinas kahit pa matuloy ang isinusulong na pederalismo.

Sa botong 11 to 7, mas pinili ng Consultative Committee (Con-Com) ang presidential federal system kaysa sa hybrid o semi-presidential system.

Ayon kay retired Chief Justice Reynato Puno, mas pamilyar na kasi ang mga Pilipino sa sistemang ito.

Posibleng aniyang magkaroon pa ng kalituhan kung gagawa ng malawakang pagbabago sa balangkas ng pamahalaan.

Ayon kay Prof. Edmund Tayao, sa sistemang ito, wala na halos babaguhin sa kasalukuyang national government.

Posibleng mabago na lamang aniya ang paraan ng pagboto ng mga senador.

Sa mga susunod na talakayan ng komite, hihimayin naman ang detalye ng napiling sistema.

Ito na rin ang magiging gabay ng Con-Com sa kanilang pagrepaso sa 1987 Constitution.

Pero ayon pa sa dating punong mahistrado, dapat manatiling malakas ang kapangyarihan ng pangulo ng bansa kahit pa lumipat na sa sistemang pederalismo ang bansa.

 

(Roderic Mendoza/UNTV Correspondent)

 

Tags: , , ,