63 bags ng dugo, nalikom sa blood letting activity ng MCGI sa Canada at Amerika

by Radyo La Verdad | November 22, 2018 (Thursday) | 7411

Malaking bahagi ng populasyon ng Estados Unidos at Canada ang nangangailan na masalinan ng dugo. Bawat araw, 43,000 donated bags of blood ang nagagamit sa buong North America.

At bagaman malaki ang pangangailangan, 38% lamang ng populasyon ng America ang nakakapagdonate ng dugo.

Kaya naman sa layong makatulong sa ating mga kapwa tao, kahit hindi natin kalahi ay muling nag-organisa ng mass blood donation drive ang mga volunteer ng Members Church of God International (MCGI) sa US at Canada.

63 units ng dugo ang nalikom ng grupo sa tulong ng red cross sa magkakahiwalay na bloodletting event sa New York, Chicago at Saskatoon.

Samantala, sanib-pwersa naman ang ating mga kasangbahay mula estado ng New Jersey at Florida sa US sa pagsuporta sa mga environmental protection projects gaya ng coastal preservation at adopt-a-shore.

Bukod sa paglilinis ay nagtanim din ng shrubs ang mga kabataan ng MCGI para sa adhikain na sa murang edad ay hubugin ang mga kabataan sa mga mabubuting gawa.

Ikinatuwa naman ng mga organizers ang pakikiisa ng ating mga kasangbahay.

Sa loob at labas man ng ating bansa, nais maipakita ng mga Pilipino sa iba’t-ibang bahagi ng mundo ang natutunang kultura ng bayanihan.

 

( Ruth De Mesa / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,