Pagpapangalan ng China sa ilang Philippine Rise features, hindi dapat ipangamba

by Radyo La Verdad 1350 | February 20, 2018 (Tuesday) | 3193

 

Ayon kay Pangulong Duterte hindi dapat na ipangamba ang pagpapangalan ng China sa ilang underwater features sa Philippine Rise.

Nandindigan si Pangulong Duterte na pag-aari ng Pilipinas ang Philippine Rise.

Ayon sa punong ehekutibo, hindi dapat na ipangamba ang pagpapangalan ng China sa ilang underwater features sa Philippine Rise katulad ng napaulat noong nakaraang lingo.

Ito ang naging pahayag ng pangulo sa dinaluhan nitong pagtitipon ng mga Filipino-Chinese businessmen noong Pebrero 19.

“Alangan nilang gawing German? Ang alam nila Chinese. Those are just directions na tapos na sila dyan. Of course, they will do it in Chinese. It’s their dialect,” ani  Duterte.

Matatandaang umani ang pamahalaan ng mga pagbatikos dahil sa umano’y malambot na pakikitungo sa China sa isyu ng territorial dispute. Lalo na ng payagan nito ang China na magsagawa ng maritime studies sa Philippine Rise.

Ngunit ayon sa pangulo, ang Pilipinas ang may hurisdiksyon sa lugar at hindi na muna papayagan ang mga exploration ng ibang bansa dito.

“The Philippine Rise is ours. Period. The continental shelf below, it is Philippine jurisdiction. That is ours,” sabi ng punong ehekutibo.

“The critics say that I am not doing enough. What were they doing during their time? Why did they not start to build things there, structures that China is doing now?” sabi pa ni Duterte.

Sa huli, nagbiro pa ang pangulo na gawin na lamang ng China na probinsya nito ang Pilipinas.

“Kaya nga sabi ko, ‘why are you so sparing?’ Gusto ninyo gawain na lang ninyo kaming province, Fujian pati Philippine province of China, ‘di wala tayong problema. Libre na lahat.

(Reynante Ponte/UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,