62 OFWs na napagkalooban ng amnestiya ng Kuwaiti Government, nakauwi na sa bansa

by Radyo La Verdad | February 11, 2018 (Sunday) | 1566

Isa pang batch ng mga Overseas Filipino Worker na napagkalooban ng amnestiya ng Kuwaiti Government ang nakauwi ng bansa.

Nakatanggap sila ng limang libong pisong financial assistance mula sa ang Overseas Workers Welfare Administration ang mga nakauwing OFW. May alok rin na livelihood program at training ang OWWA sa kanila.

Ayon sa OWWA, mahigit anim na libo pang Pilipino sa Kuwait ang inaasahan nilang maga-avail ng amnesty bago ang nakatakdang deadline sa February 22.

Sa Marso sisimulan na ng Kuwaiti Government ang crackdown sa mga undocumented overseas workers.

Umaasa naman ang Overseas Workers Welfare Administration o na sasamantalahin na rin ng iba pang OFW sa Kuwait ang nalalabing mga araw bago ang deadline sa pagkuha ng amnesty dahil magsisimula na sa Marso ang crackdown ng Kuwaiti Government sa mga undocumented workers.

 

( Macky Libradilla / UNTV Correspondent )

Tags: , ,