61 seats sa House of Representatives, nakuha ng 51 party-list groups na ipinroklama ng Comelec

by Erika Endraca | May 23, 2019 (Thursday) | 22746

Manila, Philippines – Ipinroklama na rin ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga nanalong party-list sa Philippine International Convention Center (PICC) kagabi May 22, 2019 mahigit 1 Linggo matapos ang 2019 midterm elections.

Ipinroklama ng comelec ang 51 party-list groups mula sa mahigit 130 party-list na tumakbo . Nakakuha ang lahat ng mga nanalong grupo ng kabuoang 61 seats sa house of representatives.

Nakakakuha ang nominee ng 1 party-list ng 1 seat sa mababang kapulungan ng kongreso sa bawat 2% boto mula sa kabuoang bilang ng boto na nakuha ng lahat ng kandidatong party-list.

Nakakuha ng 3 pwesto sa kamara ang Act-CIS o ang Anti-Crime and Terrorism Through Community Involvement and Support na nanguna at ang Bayan Muna na pumangalawa sa partylist groups.

Dalawang pwesto naman ang nakuha ng Ako Bicol; Cibac; Ang Probinsyano; 1 pacman; Marino at ang Probinsyano Ako.

Habang tig-1 pwesto naman ang Senior Citizens; Magsasaka; Apec; Gabriela; an Waray; Coop-Natcco; Act Teachers; Philreca; Ako Bisaya; Tingog Sinirangan; Abono at Buhay.

Nakakuha rin ng 1 pwesto sa house of representatives ang grupong Duterte Youth; Kalinga; PBA; Alona; Recoboda; BH (Bagong Henerasyon); Bahay; CWS; Abang Lingkod; A Teacher; BHW; Sagip; TUCP; Magdalo; GP; Manila Teachers’; Ram; Anakalusugan; Ako Padayon; Aambis-Owa.

Kasama rin ang Kusug Tausug; Dumper Ptda; TGP; Patrol; Amin; Agap; Lpgma; Ofw Family; Kabayan; Diwa at Kabataan.

(Asher Cadapan Jr. | Untv News)

Tags: , ,