60 pamilya nawalan ng tirahan sa nangayaring sunog sa Quiapo, Manila

by Radyo La Verdad | March 2, 2016 (Wednesday) | 3694

REYNANTE_SUNOG
Pansamantalang nanunuluyan ngayon sa covered court ng Barangay 390 sa Manila ang nasa 60 pamilya na nawalan ng tahanan dahil sa nangyaring sunog sa Arlegui St. Brgy. 387 Zone 39 sa Quiapo, Maynila.

Ayon sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection Manila tinupok ng apoy ang nasa 24 na bahay.

Ayon sa mga residente nagmula ang apoy sa isang kuwarto sa ikalawang palapag ng bahay kung saan mayroon umanong nag-aaway na mag asawa.

Bigla umanong binuhusan ng lalaki ang bahay ng gasolina at saka sinindihan dahil gawa sa light materials ang mga bahay ay mabilis kumalat ang apoy.

Umabot sa Task Force Charlie ang sunog.

Sugatan ang tatlong fire volunteer matapos mabagsakan ng debris mula sa mga nasusunog na bahay.

Alas singko singkwentay kuatro ng umaga ng ideklarang fire out ang sunog na tumagal ng sampung oras.

Wala namang nasawi sa insidente ngunit tinatayang nasa 2 milyong piso ang halaga ng naabong ari arian.

(Reynante Ponte / UNTV Radio Correspondent)

Tags: , , ,