Ipinahayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na animnapu mula sa 207 barangay officials na nasa narco list ng pamahalaan ang nanalo sa katatapos lang na barangay at SK elections.
Ayon kay PDEA Chief Aaron Aquino, tatlumput anim sa mga ito ay barangay chairman at dalawampu’t apat naman ang councilor.
Sinabi pa ni Aquino na ginamit umano ng mga ito ang drug money para bumili ng boto.
Patuloy din aniya ang ginagawa nilang paghahanda sa pagsasampa ng kaso sa mga nasabing opisyal na sangkot sa operasyon ng iligal na droga.
Tags: Barangay at SK elections, narco list, pdea
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com