60-70% populasyon ng bansa, kailangan mabakunahan vs Covid-19 upang magkaroon ng Herd Immunity – DOH

by Erika Endraca | October 22, 2020 (Thursday) | 1510

METRO MANILA – Kulang pa ang hawak na pondo ng Department Of Health (DOH) sa pagbili ng Covid-19 vaccines. Lalo na’t 20% ng populasyon ng Pilipinas ang prayoridad na mabakunahan alinsunod sa mandato ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ngayon naghahanap pa ng dagdag na pondo ang kongreso upang punan ang kulang na pondo para sa P12.1 Billion na pambili ng bakuna.

Ayon sa DOH, makabubuti kung mas marami ang mabibigyan ng bakuna upang magkaroon ng herd immunity ang mga Pilipino lalo na sa mga komunidad na may mataas na kaso ng Covid-19

“It doesn’t stop there because we would need 60-70% of the population immunized so we can have herd immunity. So when we talk about P12.5 Billioin that is just covering of our population. So we still need budget 40% of the popuation para lang maka- reach ntin 60% for herd immunity.” ani DOH Spokesperson Usec. Maria Rosario Vergeire.

Suportado naman ni House Commitee on Labor and Employment Chairman Congressman Eric Pineda ang pagpapalawak sa masasakop ng Covid-19 vaccination .

“The most important is the herd immunity and if we can provide vaccines more of our country men mababawasan na ang tao na pwedeng mahawaan nitong covid and by that time we’ll be able to eradicate it not saying 100% but maybe we will be able to limit it and later on talagang mawawala na.” ani House Commitee on Labor and Employment Chairman Congressman Eric Pineda.

Kinakailangang makabili ang DOH Ng tig-3 dose ng bakuna para sa bawat indibidwal. Ang presyo ng bakuna ay dedepende naman sa maaaprubahang gamitin ng publiko.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: