6 tauhan ng OTS at airport police, inabswelto ng DOJ sa kaso ng tanim bala

by Radyo La Verdad | June 24, 2016 (Friday) | 4677

TANIM-BALA
Inabswelto ng Department of Justice ang dalawang tauhan ng Office for Transportation Security o OTS at apat na airport police sa mga reklamong isinampa ng amerikanong si Lane Micheal White kaugnay ng insidente ng tanim bala sa NAIA noong Setyembre ng nakaraang taon.

Dinismiss ng DOJ ang mga reklamong pagtatanim ng ebidensiya laban sa mga tauhan ng ots na sina Maria Elma Cena at Marvin Garcia.

Kumbinsido ang piskal na hindi kay White ang bala ng kalibre bente dos na nakuha sa kanyang bagahe ngunit malinaw aniya sa CCTV footage na hindi sina Garcia at Cena ang naglagay nito kahit pa may paglabag ang dalawa sa standard operating procedure.

Dinismiss din ng DOJ ang mga reklamong robbery extortion, graft at paglabag sa Republic Act 7438 laban sa mga tauhan ng PNP-Aviation Security Group na sina Chief Inspector Adriano Junio Junior, SPO4 Ramon Bernardo, SPO2 Rolando Clarin at SPO2 Romy Navarro.

Ngunit kumbinsido ang piskal sa depensa ni SPO2 Clarin na napagkamalian lamang ni White na pangingikil ang sinasabi niyang thirty-thousand pesos na multa sa pagdadala nito ng bala.

(Roderic Mendoza/UNTV Radio)

Tags: