Pagpapaliwanagin ng pamunuan ng Tarlac Provincial Police ang anim nilang tauhan na no show sa voluntary drug testing kahapon.
154 uniformed at non-uniformed police personnel ang sumalang sa drug testing sa provincial headquarters alinsunod sa kampanya kontra iligal na droga at krimen ng administrasyon.
Kapag hindi nakapagbigay ng sapat na dahilan ang mga naturang pulis, maaari silang maharap sa parusa.
Target ng provincial police na maisailalim sa drug testing ang nasa 1,500 nilang tauhan bago matapos ang tatlong buwan.
(Bryan Lacanlale/UNTV Radio)
Tags: no show, random drug testing, Tarlac Provincial Police, voluntary drug testing