6 na tauhan ng subcontrator ng ilang airline company , sangkot umano sa pagnanakaw sa NAIA

by dennis | April 18, 2015 (Saturday) | 1848
FILE PHOTO: NAIA Terminal 1 Departure Area (RYAN MENDOZA / Photoville International)
FILE PHOTO: NAIA Terminal 1 Departure Area (RYAN MENDOZA / Photoville International)

Sinuspindi na ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) at mga airline company ang anim na tauhan ng subcontractor na sangkot sa pagnanakaw ng mga gamit sa bagahe ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Nadiskubre ang mga nakaw na gamit nang magsagawa ng inspeksyon ang pamunuan ng MIAA sa locker ng mga ito
Nakita sa isinagawang inspeksyon ang ilang padlock na ginagamit ng mga pasahero sa kanilang mga bagahe.

Mayroon ding ilang piraso ng alahas at sports watch na nakita sa mga locker pati na ang kutsilyo na ginagamit upang mabuksan ang mga bagahe ay nakumpiska rin ng mga tauhan ng MIAA.

Bagamat iniimbistigahan pa ang kaso, ayon sa MIAA, malaki ang hinala nila na nangyayari ang nakawan sa departure area na kung saan naglalagay ng gamit ang mga pasahero.

Ipinapanukala na ng MIAA na huwag ng bigyan ng locker at kailangang wala ng bulsa ang mga pantalon ng mga nagtatrabaho sa NAIA upang maiwasan ang pagnanakaw sa mga bagahe ng pasahero.(Mon Jocson/UNTV News Correspondent)

Tags: , , ,