Bilang bahagi ng paghahanda kapag may nangyaring kalamidad at tulong sa mahigit sampung libong naninirahan sa Taal Volcano Island at paligid nito, nagkaloob ang Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng anim na sea ambulance sa apat na bayang nakapalibot sa Bulkang Taal.
Dalawang sea ambulance ang ipinamahagi sa bayan ng Talisay at San Nicholas habang tag-isa naman ang bayan ng Agoncillo at Balete sa Batangas.
Ayon sa Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, malaking tulong ang mga sasakyang pandagat na ito sa pagrescue at pagtransport ng mga pasyente sa lugar sa tuwing mayroong kalamidad. Mayroon itong kapasidad na magsakay ng dalawampu hanggang tatlumpung tao.
Bukod dito, maaari din umanong gamitin ng mga estudyante na naninirahan sa Volcano Island ang sea ambulance upang ihatid sila sa karatig na bayan kung saan sila nag-aaral kahit walang kalamidad.
(Sherwin Culubong / UNTV Correspondent)
Tags: Batangas PDRRMO, Bulkang Taal, sea ambulance