6 na panukalang batas prayoridad na ipasa ng 16th Congress bago matapos ang termino ni Pangulong Aquino

by Radyo La Verdad | July 27, 2015 (Monday) | 3064

4 PRIORITY BILLS
Pinangunahan ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. ang pagbubukas ng 3rd Regular Session kanina na 246 na mga kongresista ang present.

6 na panukalang batas ang prayoridad na ipasa ng House of Representatives sa nalalabing ilang buwan bago matapos ang 16th Congress.

Pangunahin sa mga panukalang batas na prayoridad na ipasa ay ang panukalang Bangsamoro Basic Law na nakabinbin pa sa period of Amendmets sa plenaryo ng kamara.

Habang sa Senado naman ay hindi pa ito nakakalusot sa Senate Committee on Local Government na pinangungnahan ni Senator Bong Bong Marcos.

Aminado ang House Speaker na mahihirapan sila sa pagpasa ng BBL.

Samantala, kabilang sa iba pang panukalang batas na prayoridad na ipasa at isabatas ay ang 2016 Proposed National Budget, Build-operate-Transfer Law, ang pagbuo sa Department of Information and Communication Technology, PAGASA Modernization Law at ang Freedom Information Bill.

Ipinagmalaki rin ni Speaker Belmonte ang pagsasabatas ng mga mahahalagang bill gaya ng Compensation for Human Rights Victim under Marcos Regim, Kasangbahay Law, GOCC Government Law , Philhealth , K-12 Law, at ang Philippine Competition Law.

Umaasa naman si House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na sana ay magkaroon pa ng oras ang both houses na talakain naman ang akda niyang Resolution of Both Houses-1 o mas kilala bilang Economic CHA-CHA.

Tags: ,