Anim na menor de edad ang dinampot ng mga otoridad matapos mahuli ang mga ito na gumagamit ng solvent sa Jaime Cardinal Sin Village sa Maynila kagabi Nagroronda ang ilang kawani ng barangay nang maaktuhan ang mga ito na gumagamit ng mga solvent na nakalagay sa apat na plastic.
Ayon sa barangay chairman sa lugar, matagal nang inirereklamo ng mga residente ang pag-iingay ng mga kabataang nahuli. Dadalhin ang mga kabataan sa reception and action center upang isailalim sa rehabilitasyon ng Manila Social Welfare and Development.
Samantala, sugatan ang parehong driver ng nagsalpukang motorsiklo at kotse sa kanto ng Laong Laan at Blumentritt Road sa Sampaloc, Maynila bandang ala una kaninang madaling araw.
Malubha ang driver ng motorsiklo na nagtamo ng mga sugat sa ulo, braso at binti matapos itong tumilapon sa kalsada habang nagtamo ng sugat sa kaliwang leeg ang driver ng kotse.
Agad na dinala sa ospital ang lalaki habang tumanggi nang magpadala sa ospital ang driver ng kotse.
( Asher Cadapan Jr. / UNTV Correspondent )
Tags: 6 na menor, Maynila, solvent