6 million pesos na mula sa proceeds ng Songs for Heroes 3 concert, ipinagkaloob ng UNTV sa AFP

by Radyo La Verdad | December 6, 2017 (Wednesday) | 3692

Matapos ang matagumpay na Songs for Heroes 3 concert noong Oktubre, nai-turn over na sa Armed Forces of the Philippines ang anim na milyong pisong financial assistance mula sa proceeds ng event. Para ito sa mga pamilya ng mga sundalong nasawi at nasugatan sa pakikidigma sa Marawi City.

Personal na iniabot ni Mr. Public Service Kuya Daniel Razon ang cheke sa mga opisyal ng Sandatahang Lakas sa pangunguna ni AFP Chief of Staff General Rey Leonardo Guerrero sa kampo Aguinaldo.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang AFP sa UNTV dahil sa tulong na anila’y dagdag lakas sa kanilang kalooban. Tiniyak naman ni Kuya Daniel ang patuloy na pakikiisa at pagsuporta ng istasyon sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Ang anim na milyong pisong financial assistance ay bukod pa sa ipinagkaloob na 8.3 million pesos ni Brother Eli Soriano ng Members Church of God International para sa pamilya ng mga nasawing sundalo at pulis na nakipaglaban sa Marawi City.

Noong isang linggo ay naibigay na rin sa Philippine National Police ang dalawang milyong pisong tulong mula sa proceeds ng benefit concert.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

Tags: , ,