6 Filipino seaferers, nakauwi na sa Plipinas matapos mastranded ng ilang buwan

by Radyo La Verdad | December 6, 2021 (Monday) | 10356

METRO MANILA – Malugod na tinanggap ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang 6 na Filipino seafarer na dumating noong Biyernes (December 3) sa Manila International Airport mula Shanghai Hong Kong.

Sila ay kabilang sa 29 Filipino na standed na sakay ng Chinese-flagged vessels na Han Rong 362, 366, at 369, na huminto ang operasyon nong May 2021. Dahil sa COVID-19 restriction sa China port, ang barko ay nanatili sa timog-silangang Tsina.

Ang Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs (OUMWA) ay binatayan ang kalagayang mga mangingisda at nagpaabot ng tulong sa mga tripulate mula ng makatanggap sila ng ulat. Gayun din ang Philippine Consulates General sa Shanghai, Xiamen, at Guangzhou ay tumugon sa mga pangangailangan ng mga marino at gumawa ng mga representasyon kasama ang ships’ principal at mga awtoridad ng China para a kanilang pagbaba.

“Inaayos na ng DFA ang kanilang repatriation mula nang mahayag ang kanilang kaso. Sa kabila ng mga hamon na nararanasan, sa wakas ay naiuwi namin silang anim. Talagang iuuwi natin ang iba pang mangingisdang na nasa Han Rong China pa,” ani Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers Affairs Sarah Lou Y. Arriola.

Bukod dito, ang bagong talaga na Foreign Affairs Assistant Secretary Paul Cortes ay nakipag-ugnayan kay Cansul General Josel Ignacioa na maiuwi ang natitirang 23 na mangingisada.

Samantala sinabi ni Undersecretary Arriola na ang DFA ay nag organisa ng isang chartered flight sa Shanghai ngayong December.

(Zy Cabiles | La Verdad Correspondent)

Tags: ,