6 barangay sa Maria Aurora, binaha; mga residente nagsimula nang magsilikas

by Radyo La Verdad | December 16, 2015 (Wednesday) | 1589

GRACE_BAHA
Mabilis namang tumaas ang tubig baha sa Maria Aurora.

Sa Diat Bridge sa Maria Aurora kitang kita ang mabilis na rumaragasang tubig sa ilog na kulay tsokolate.

Ayon naman sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Council ng Maria Aurora, Aurora Province, umabot na sa anim na barangay ang binaha.

Hanggang beywang na ang baha sa mga barangay sa Maria Aurora Brgy.Dos, Sta.Lucia at San Jose.

Habang hanggang tuhod naman ang tubig baha sa Brgy.Domin, Sto.Tomas at San Leonardo.

Inililikas na ng Philippine National Police Aurora at MDRRMC ang mga residenteng apektado ng pag-apaw ng tubig sa mga ilog sa Maria Aurora.

(Grace Doctoelero / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,