6 arestado sa isinagawang buy bust operation ng District Anti-Illegal Drug Group sa Quezon City

by Radyo La Verdad | March 16, 2016 (Wednesday) | 2000

BUY-BUST
Nahuli na mga kawani ng Philippine National Police Quezon City District ang labing dalawang suspek sa dalawang magkahiwalay na anti-drug operation sa Quezon City kagabi.

Pasado alas nuebe kagabi nang isagawa ng Quezon City District Anti-Illegal Drugs ang drug buy bust operation sa Sitio San Roque Barangay Pagasa Sa Quezon City.

Sinalakay ng mga operatiba ang isang bahay na hinihinalang drug den kung saan naakutuhan pa nila na nagpopot session ang mga suspek sa loob.

Nanlaban pa ang mga suspek at tinangkang tumakas habang inaaresto.

Nagpaputok pa ng baril ang isa sa mga suspek na si alyas Bryan na isa sa mga most wanted drug personality sa Quezon City.

Sumuko naman ang suspek matapos ma-corner ng mga otoridad habang nakumpiska sa kanila ang apat na malalaki at dalawang maliliit na sachet ng hinihinalang shabu, ilang drug parapernalia at 38 kalibre na baril.

Samantala anim na indibidwal din ang inaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District Station 10 sa hiwalay na operasyon sa Cadena de Amor Street, Barangay Central, Lungsod ng Quezon kagabi.

Nasamsam mula sa mga suspek ang walong sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang tinatayang tatlong libong piso, at mga drug paraphernalia.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(Reynante Ponte / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,