6-7% na paglago ng ekonomiya para sa 2023, inaasahan

by Radyo La Verdad | December 18, 2023 (Monday) | 1628

METRO MANILA – Nananatili ang target na paglago ng ekonomiya ng Pilipinas para sa taong ito ayon sa economic managers ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos Junior.

Six hanggang seven percent ang growth targets ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) para sa 2023.

Nakabatay ito sa 5.5% na antas ng paglagong naitala mula buwan ng Enero hanggang Setyembre.

Isang inter-agency body ang DBCC na may mandatong tukuyin ang macroeconomic assumptions ng pamahalaan.

Binubuo ito ng Department of Finance, Department of Budget and Management, National Economic and Development Authority at Office of the President.

Samantala, adjusted naman ang growth target ng DBCC para sa taong 2024.

Mula sa dating range na 6.5% hanggang 8.0%, nilimitahan ito sa 6.5% hanggang 7.5%.

Samantala, inaasahan naman ang 6% na average inflation rate para sa taong ito.

Tags: ,