6%-7% GDP growth sa 2023, tiwalang maaabot ng administrasyong Marcos

by Radyo La Verdad | November 29, 2023 (Wednesday) | 2775

METRO MANILA – Naniniwala pa rin ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na magiging maganda ang usad ng ekonomiya ng bansa ngayong taon kahit na may mga hamon at epekto ng mga kaguluhan sa ibang mga bansa.

Tiwala ang economic managers ng pangulo na maaabot ang 6% to 7% na Gross Domestic Product (GDP) growth rate para sa taong 2023.

Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, maganda ang posisyon ng Pilipinas pagdating sa pananalapi at estado ng utang nito sa labas ng bansa.

Dagdag ng kalihim, nakikita ng world bank na posibleng mahigitan ng Pilipinas ang paglago ng ekonomiya ng ibang mga bansa sa East Asia.

Ilang hakbang ang tututukan ng administrasyon upang maabot ang tinatarget nitong Gross Domestic Product (GDP) growth kabilang na ang mabilis at maayos na paggamit ng pondo ng mga ahensya, pataasin ang produksyon sa agrikultura at targeted subsidy para sa mga sektor na apektado ng inflation.

Tags: ,