6.5M deactived voters, hinikayat ng Comelec na magpa-reactivate

by Erika Endraca | September 17, 2021 (Friday) | 5549

METRO MANILA – Halos 2 linggo na lamang ang nalalabi bago ang deadline ng voter registration sa September 30.

Sa update ng Commission on Elections (Comelec) aabot na sa 61 million ang rehistradong mga botante para sa darating na May 2022 elections.

Gayuman mayroong nasa 6.5 million deactivated voters ang hindi pa nakakapagpa-reactivate ng kanilang status sa Comelec.

Ito ang mga botante na 2 magkasunod na beses na hindi nakaboto sa nakalipas na eleksyon.

Kaya naman bago pa ang deadline, hinihikayat ng Comelec na makapagpa-reactivate na ang mga ito.

“Para magreactivate hindi na kailangan pumunta ng Comelec office mag email po kayo sa inyong Comelec officer, nakikiusap po kami lalo na sa mga senior citizens, PWD at mga buntis na kung mag,pumila po kayo kailangan ipaalam nyo na nandyan kayo huwag po kayong mahiya, pumunta po kayo sa courtesy or express lane dahil priority po kayo” ani Comelec Com. Rowena Guanzon.

Para malaman ang kumpletong listahan ng email address at contact ng Comelec regional offices o officer, pumunta lamang sa www.comelec.gov.ph.

Sa ngayon nanatiling buo ang desisyon ng Comelec na wala nang extension ang voter registration.

Ayon kay Commissioner Guanzon, hindi pa nagpaguusapan ng Comelec En Banc ang panibagong resolusyon ng senado na humihiling na i-extend pa ang paparehistro ng mga botante.

Bukod sa voter registration,pinaghahandaan rin na sa ngayon ng Comelec ang filing ng Certificate of Candidacy (COC) sa October 1 to 8.

Sa halip na sa central office ng Comelec sa Maynila ang filing ng COC, ililipat ito sa Sofitel sa Pasay City kung saan magse-setup ng mga tent, upang maging mas maluwag at maiwasan ang pagsisiksikan.

Ang bawat kandidato na maghahain ng kandidatura ay maaari lamang magdala ng isang kasama.

Samantala, pinayuhan naman ng Comelec ang mga botanteng na may sintomas ng COVID-19 na kung maaari ay agad nang magreport sa kanilang mga barangay upang makapagpa-swab bago pa pumunta sa presinto.

Pero ayon sa Comelec maglalaan pa rin sila ng swab test sa mga isolation polling center para ma-test ang mga boboto na magpapakita ng sintomas ng COVID-19.

Sa ngayon ay pinagiisipan pa ng Comelec kung papano mabibigyan ng pagkakataon ang mga COVID-19 positive na makaboto pa rin sa darating na eleksyon.

“Regarding naman doon sa mga meron nang covid at mga nasa ospital or nag seself sa bahay, pinaguusapan pa kung paanong paraan ang pinakamagandang gawin para matulungan sila. Pero ultimately, siguro isipin narin natin kung may COVID ka baka naman ayaw mo nang makahawa ng tao, diba?” ani Comelec Spokesperson, Dir. James Jimeñez.

(Dante Amento | UNTV News)

Tags: , ,