Dininig ngayong araw sa mababang kapulungan ng Kongreso ang panukalang budget ng Dept. of Justice para sa taong 2016.
Dito, inihayag ni Justice Sec. Leila de Lima na posibleng ngayong buwan ay mayroon nang mananagot sa pagkamatay ng 44 na miyembro ng SAF 44.
90 indibibwal ang nakatakdang sampahan ng kasong criminal ng Dept. of Justice kaugnay ng pagkamatay ng mga miyembro ng SAF sa Mamasapano Maguindanao.
Hinihintay na lamang ngayon ng DOJ ang resulta ng part-2 ng kanilang imbestigasyon kung nay nilabag na batas ang Amerika sa nasabing operasyon.
At ang umano’y pagkakasangkot ni PO2 Christopher Lalan sa pagpatay sa tatlong hanggang apat na sibilyan.
Samantala, sa kaso naman ng nangyaring sunog sa Kentex Manufacturing sinabi ni Sec. De lima na nirereview na nila ang findings at recommendations ng Inter-Agency Anti-Arson Task Force.
Bumuo narin ng Special Committee ang DOJ para sa kaso at kasama sa kanilang rekomendayosyon ay ang pagsasampa ng kaso sa mga responsible sa nangyaring insidente. (Grace Casin / UNTV News)