58.3% ng COVID-19 beds sa bansa, okupado na – DOH

by Erika Endraca | August 12, 2021 (Thursday) | 2797

METRO MANILA – Umabot na sa mahigit 200 sa 1, 291 hospitals sa Pilipinas ang nasa critical level o malapit nang mapuno.

Ang ilang ospital sa Metro Manila gaya ang St Luke’s Medical Center at National Kidney Transplant Institute (NKTI) ay nag- deklarang puno na at emergency cases na lang ang kayang tangagapin

Ayon sa DOH, mahigit kalahati na sa COVID-19 hospital beds sa bansa okupado na

“Aabot na po sa 58.3% ng higit sa 37,000 na kama sa mga ospital mailaan po natin ang hsopital beds para po sa mga severe at critical na kalagayan na mas nangangailangan ng pasilidad na ito” ani DOH Spokesperson, Usec. Maria Rosario Vergeire.

Dahil na patuloy na pagtaas ang kaso at pagkapuno ng mga ospital. 41 lugar sa Pilipinas, itinaas na sa alert level 4 ng DOH.

Umabot na sa mahigit 70% ang ginagamit na isolation, ward beds , ICU beds at mechanical ventilators

“Ibig sabihin ng alert level 4 bagama’t iyong kanilang case trends ay hindi pa ganoon kataas to reach that hig risk pero iyong kanilang health care utilization more than 70% na, ibig sabihin nandoon na tayo sa level na kailangan na talagang gumawa ng mas appropriate response” ani DOH Spokesperson, Usec. Maria Rosario Vergeire.

Kabilang naman sa mga nasa alert level 4 sa NCR ang Las Piñas, Malabon, Makati, Marikina, Muntinlupa, Navotas, San Juan, Pateros, Quezon City, Taguig at Valenzuela.

Samantala, ayon sa DOH, depende sa ipatutupad na pagluluwag o paghihigpit sa restrictions sa susunod na anim na linggo, posibleng umabot ang daily active cases sa ncr mula mahigit 15,000 hanggang 58,000 sa katapusan ng Setyembre

“Based on these projections marked kapag nagkarron tayo ng pagluwag in the coming weeks, maaaring maging ganito, these are not case in stone, these are projections. Maaari pa natin iyan mapigilan, marami pa tayong kailangang gawin hindi lang lockdown ang sagot sa mga ganitong pagtaas ng ating kaso. Ang pinakaimportante kaya gumagawa tayo ng lockdown for us to buy time para mai-prepare natin ang sistema. Makapag- expand ba tayo, mas ma-capacitate ntin ang local govrments natin” ani DOH Spokesperson, Usec. Maria Rosario Vergeire.

Oobserbahan ng DOH ang epekto ng ipinatupad na 2 linggong ECQ sa NCR. Dedepende anila ang kanilang rekomendasyon sa susunod na restrictions kung mapapabagal ang pagpalo ng kaso at bubuti ang kalagayan ng mga ospital.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,