Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Bureau of Customs ay naabot umano nito ang daily collection target noong September 28 at 29.
Ayon sa inilabas na ulat ng kawanihan, umabot sa mahgiit anim na bilyong piso ang kanilang nakolekta sa loob lamang ng dalawang araw na ito at nakalikom ng p39. 545 billion collection sa buwan ng Setyembre.
Mas mataas ito ng 20.92% kumpara noong kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Ayon pa kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, posible talaga aniyang maaabot ang monthly target ng Customs na 50.1 billion pesos dahil sa pag-aalis ng benchmarking.
Ang benchmarking ang pagtatakda ng mga kolektor ng halaga ng buwis nang hindi naaayon sa laman ng isang shipment.
Matatandaang sa pag-upo ni Commissioner Lapeña sa pwesto, tinanggal nito benchmarking sa mga kargamento. Posible aniyang ginagawa ito noon dahil sa tara.
Kumpiyansa naman si Commissioner Lapeña na kaya nilang maabot ang target collection ng kawanihan na mahigit apat na raang bilyong piso para sa taong 2017.
( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )
Tags: BOC, daily collection, naabot ang target