Inabswelto ng Department of Justice ang Philrem executives na sina Salud Bautista, Michael Bautista at Anthony Pelejo sa laundering ng 81-million US dollars na perang ninakaw sa Bangladesh Central Bank.
Dinismiss ng DOJ ang reklamo laban sa tatlo matapos mapatunayan na ini-report nila ang kaduda-dudang transfer ng nasabing pera sa RCBC.
Ngunit pinagtibay naman ng DOJ ang kasong money laundering kay dating RCBC Jupiter Branch Manager Maia Santos-Deguito at apat na iba pang suspek na nasa likod ng mga bogus accounts na pinaglagakan ng nakaw na pera.
Paliwanag ng DOJ, may pananagutan si Deguito dahil pinayagan nitong ma-withdraw ang ninakaw na pera at mailipat sa apat na bogus accounts.
Samantala, hindi pa nareresolba ng DOJ kung dapat ding makasuhan ang mga opisyal ng RCBC na sinampahan din ng reklamo ng Anti-Money Laundering Council o AMLAC kaugnay ng iskandalo.