Hihintayin na lamang ng Senate Committee on Agriculture ang final report ng Agriculture Department sa nangyaring bird flu outbreak sa San Luis, Pampanga at mga bayan ng Jaen at San Isidro sa Nueva Ecija. Ito ay upang mapag-aralan nila kung may dapat pa bang idagdag o baguhin sa mga pamamaraan ng kagawaran.
Ayon kay Committee Chair Sen. Cynthia Villar, hindi na kailangang magsagawa pa ng imbestigasyon ang senado ukol dito.
Sa ngayon ay hinihintay pa ng Department of Agriculture na matapos ang 90 araw mula nang mag-disinfect ang lugar bago payagang magalagang muli ng mga poultry product.
Pero ayon kay Secretary Manny Piñol, ngayon pa lamang ay masasabi nang bird flu free na ang pilipinas bagama’t kailangang matapos din ang quarantine protocols sa 3 lugar.
Samantala, dapat pa rin na pagaralang mabuti ang mining operation sa bansa ayon kay Senator Villar upang hindi tuluyang maglaho ang industriya ng pagmimina sa bansa. Tinukoy nito ang mga illegal na minero kaya’t pumangit ang imahe ng mga minahan sa bansa.
Hindi nito direktang sinagot kung pabor o tutol siya sa open pit mining subalit kung koneksyon aniya sa agrikultura ang pag-uusapan.
(Rey Pelayo / UNTV Correspondent)