55 PNP Personnel sa Cebu, inalis sa pwesto

by Radyo La Verdad | August 19, 2016 (Friday) | 1404

GLADYS_RELIEVED
Patuloy ang internal cleansing ng Philippine National Police sa ilalim ng Duterte Administration.

Kahapon ay nakatanggap ng order mula sa Camp Crame ang Police Regional Office-7 sa pag-relieve sa limamput-limang personnel mula sa rehiyon.

Walo rito ay mga opisyal at ang apatnaput-tatlo naman ay mga non-commission officer.

Ilan sa mga ito ay mayroong derogatory police records at posible ring may kinalaman sa iligal na droga.

Ayon kay PRO-7 Director Chief Superintendent Noli Taliño, karamihan sa ni-relieve ay ilalagay sa ARMM at Cordillera.

Tumanggi ng pangalanan ni Taliño ang mga narelieve na pulis.

Samantala sa isinagawang command conference kahapon kaalinsabay na ika-115th anibersaryo ng PNP.

Muling giniit ni Taliño ang target ng ahensya sa pagsugpo sa iligal na droga sa bansa.

(Gladys Toabi / UNTV Correspondent)

Tags: ,