55 lugar sa bansa, isinailalim sa State of Calamity dahil sa bagyong Paeng

by Radyo La Verdad | October 31, 2022 (Monday) | 9244

METRO MANILA – Isinailalim sa State of Calamity ang 55 na lugar sa Pilipinas dulot ng epekto ng bagyong Paeng.

Kabilang dito ang buong probinsya ng Albay sa Bicol region na nasa 18 lungsod at munisipalidad.

Ganundin ang buong lalawigan ng Maguindanao sa Bangsamoro Autonomous Region (BARMM).

Kinabibilangan yan ng 36 na siyudad at munisipalidad.

Kasama din sa isinailalim sa State of Calamity ay ang munisipalidad ng Pigcawayan sa Cotabato sa Soccsksargen region.

Kasunod ng pagdedeklara ng state of calamity, sinabi ng NDRRMC na pinapayagan ang mga opisyal ng pamahalaan sa naturang mga bayan na gamitin ang kanilang calamity funds.

Tags: ,