Umabot na sa limampu’t apat ang bangkay na nahukay mula sa iba’t-ibang landslide na naitala sa magkakahiwalay na lugar sa Cordillera Region matapos ang pananalasa ng Bagyong Ompong.
Karamihan sa mga nasawi ay mga minero, tatlumpu’t dalawa naman ang naitalang sugatan habang apat na pu’t dalawa ang nawawala ayon sa regional director ng Office of the Civil Defense (OCD) Cordillera na si Ruben Carandang, maaga pa lamang ay naabisuhan na ang mga tao na mag-ingat at kung maaari ay lumikas na may mga mining sites.
Aniya, sa lugar kaya karamihan sa mga natabunan ay mga minero.
Kagabi, marami ang mga kaanak ng mga biktima ang nag-aabang nagbabakasaling natagpuan o nahukay na ang kanilang mahal sa buhay. Ngunit pansamantalang inihinto ng OCD ang paghuhukay bandang alas sais kagabi dahil sa patuloy na paglambot ng lupa sa Barangay Ucab at delikado na rin sa mga rescuer dahil matarik ang lugar.
Aabot sa apat na raan na mga tauhan ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippes (AFP), iba’t-ibang rescue teams at mga minero ang nagtutulong-tulong sa search and rescue operations.
Ayon kay Carandang, ang natabunang istraktura ay bunkhouse ng Benguet Corporation na ginagamit ng mga minero aabot sa apat na pu hanggang limampu ang mga minero ang posibleng natrap at natabunan ng lupa.
( Grace Doctolero / UNTV Correspondent )
Tags: AFP, Bagyong Ompong, Cordillera Region