Mariin namang itinanggi ni Ilocos Norte Rep. Rudy Fariñas ang mga paratang ni Gov. Imee Marcos.
Ayon sa kongresista, bakit naman matatakot na humarap sa pagdinig ng Kamara si Marcos kung totoo ang sinasabi nito.
Mahirap aniyang maintindihan na sa kabila ng sinasabi ng gobernador na legal ang mga transaksyon sa pagbili ng mga sasakyan ay nananatiling tikom ang bibig ng Ilocos 6 sa tanong kung nagkaroon ba ng cash advances tungkol dito.
Sinabi pa ng kongresista na inaprubahan ni Marcos ang bawat proseso sa pagbili ng pitumpung Foton mini truck na nagkakahalaga ng 32.6 million pesos ngunit wala umanong nai-deliver kahit isa man sa mga ito.
Malinaw aniya na palsipikado ang mga dokumento tungkol dito at nagkaroon ng ghost delivery ng mga Foton mini trucks.
Tags: Gov. Imee Marcos, Ilocos Norte Rep. Rudy Fariñas, Kamara