Nasa walumpu’t limang libong pamilya na ang naapektuhan sa patuloy na bakbakan ng tropa ng pamahalaan at Maute group sa Marawi city.
Mahigit tatlong libo dito ay nananatili sa mga evacuation center. Ilan sa kanila ay nasagip mula sa pagiging hostage ng Maute at Abu Sayyaf group.
Ayon kay Presidential Spokesperson Usec. Ernesto Abella, inuutusan umano ng mga terorista ang kanilang mga hostage na magnakaw sa mga gusali sa Marawi city.
Batay sa nakuha nilang report at salaysay ng mga biktima, tinatayang aabot sa 500 million pesos na cash ang kanilang nanakaw.
Tiniyak naman ng Malacañang na prayoridad ng pamahalaan na pangalagaan ang kapakanan ng mga residenteng naapektuhan ng gulo.
Patuloy na rin ang ginagawa nilang relief operations sa Marawi City.
(Nel Maribojoc / UNTV News Correspondent)
Tags: Marawi City, Maute at ASG, P500M