52 milyong balota para sa 2016 elections, tapos nang i-imprenta ng COMELEC

by Radyo La Verdad | April 5, 2016 (Tuesday) | 1547

COMELEC
Umabot na sa siyamnaput apat na porsiyento o mahigit limamput dalawang milyong mga balota ang natapos nang i-imprenta ng Comission on Elections.

Nasa anim na porsyento o mahigit tatlong milyon na lamang ang kailangang iimprenta bago matapos ang kabuoang 55-point-seven million ballots na gagamitin sa halalan ngayong Mayo.

Samantala, nasa mahigit tatlumput walong milyong balota naman ang naiberepika na sa pamamagitan ng verification machines.

Ayon sa printing committee ng National Printing Office inaasahan na susunod na linggo ay matatapos na ang pag-iimprenta ng mga balota.

Tags: , ,