Ipininadala na ng Northeast Luzon Electric Cooperatives Association, Inc. (NELECA) ang nasa 52 na mga linemen kung saan 12 dito ay mula sa Isabela-I Electric Cooperative, Inc. (ISELCO-I).
Ito ay tugon sa Power Restoration Rapid Deployment (PRRD) task force na binuo ng Philippine Rural Electric Cooperative Association, Inc. (PHILRECA), One EC Network Foundation, at National Electrification Administration (NEA) na naglalayong mapabilis ang pagkukumpuni ng mga nasirang linya ng kuryente dulot ng pananalasa ng Bagyong Quinta at Bagyong Rolly partikular sa probinsya ng Marinduque.
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang presidente ng NEPECO at PHILRECA Party-List Rep. Presley C. De Jesus sa mga tinaguriang light warriors dahil sa dedikasyon sa kanilang trabaho.
“Pupunta kayo doon para ipakita ang malasakit ng Electric Cooperative sa mga kababayan nating nasalanta ng kalamidad”,ito naman ang mga salitang binitawan ni GM Virgilio L. Montano sa 12 linemen nito mula sa Isabela-I Electric Cooperative, Inc. (ISELCO-I) na kasama sa mga ipinadala ngayong araw patungong Probinsya ng Marinduque.
Namahagi naman ng Solar DC bulb at CP charger ang EC-Wide Member-Consumer-Owners (MCO) Chairman ng Kooperatiba, Librendo Viloria, bilang pagpapakita ng suporta sa linemen ng ISELCO-I.
(Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)
Tags: NELECA