May pag-asa pang magbago ang mga gumagamit ng iligal na droga o sangkot sa pagbebenta nito, ito ang pananaw ng nasa limampu’t isang porsyento ng mga Pilipinong sumailalim sa survey ng Social Weather Stations.
Dalawampu’t walong porsyento naman ang nagsasabing hindi na maaaring magbago ang mga ito, habang dalawampung porsyento ang undecided.
Nakasaad din sa survey na apat na pu’t dalawang porsyento ang hindi sang-ayon na patayin ang mga taong gumagamit o sangkot sa bentahan ng ipinagbabawal na gamot.
Habang tatlumpu’t siyam na porsyento ang hindi pabor at labing walong porsyento naman ang hindi makapagpasya.
Tinanong rin sa survey kung sang-ayon ba silang bigyan ng pabuya ang mga pulis na makakapatay ng mga taong gumagamit o nagbebenta ng illegal drugs. 65% ang tutol, 15% lang ang sumang-ayon habang 20 porsyento ang walang komento.
Ang survey ay isinagawa sa isang libo at limang daang adult respondents mula September 23 hanggang 27 sa Luzon, Visayas at Mindanao.
( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )
Tags: drug suspect, Pilipino, SWS