Umabot na sa limapu’t isang lalawigan sa bansa ang apektado ng El Niño phenomenon.
Sa datos ng PAGASA, dalawamput tatlong probinsya ang nakararanas ng dry spell o tatlong sunod-sunod na buwan na nasa dalawampu hanggang animnapung porsiyento lamang ang naging pag-ulan.
Karamihan sa mga probinsiya ay nasa Luzon at Visayas.
Dalawampu’t walong lalawigan rin ang nakaranas ng anim napung posiyentong kabawasan sa pag-ulan sa loob ng tatlong sunod-sunod na buwan sa Mindanao.
Ang mga lugar naman na normal ang klima ay ang Compostela Valley, Agusan Del Sur, North Cotabato, Pangasinan, Cavite, Rizal at Metro Manila.
(Rey Pelayo / UNTV Correspondent)
Tags: 51 lalawigan, tag-tuyot