500,000 doses ng Covid-19 vaccines, idodonate ng China sa Pilipinas

by Erika Endraca | January 18, 2021 (Monday) | 35384

METRO MANILA – Nag-courtesy call si Chinese Foreign Minister at State Council Wang Yi kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang noong Sabado (Jan. 16).

Nakipagkamay ang punong ehekutibo sa Chinese official at mga kasama nito kaya naman gumamit ng alcohol ang pangulo pagkatapos nito at binigyan din ng alcohol si Wang at mga kasamahan nito.

Inanunsyo ni Wang ang gagawing donasyon na 500,000 doses ng Covid-19 vaccines sa Pilipinas bilang bahagi ng commitment ng china na suportahan ang bansa sa Covid-19 response nito.

Wala namang binanggit kung anong brand ng vaccine ang ido-donate ng China.

Samantala, iginiit naman ni Pangulong Duterte sa Chinese foreign minister na dapat pang pagtibayin ang pagtutulungan ng dalawang bansa kaugnay ng public health partikular na ang access sa ligtas at epektibong vaccines.

Ito ay upang matiyak aniya na napangangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan at mapabilis ang economic recovery sa 2 bansa at sa rehiyon.

Ipinaabot naman ng punong ehekutibo ang aprreciation nito sa suporta ng china sa Pilipinas kaugnay ng Covid-19 response.

Nagsagawa ng official visit si Chinese Foreign Minister Wang sa bansa bilang bahagi ng tour nito sa 4 na Southeast Asian countries.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,