5000 km test run ng bagong tren ng MRT3 hindi pa nakukumpleto

by Radyo La Verdad | March 29, 2016 (Tuesday) | 3201

MACKY_MRT3
Umaasa ang mga pasahero na maaari nang magamit na ang bagong tren ng MRT3 bago matapos ang buwan ng Marso.

Sa mga unang pahayag ng DOTC kinumpirma nito ang operasyon ng bagong tren sa naturang buwan.

Subalit hanggang sa ngayon ay hindi pa nakukumpleto ang 5000km test run ng bagong tren mula sa Dalian China.

Sa kasalukuyan ay 3009km pa lang ang natatakbo nito sa mismong riles ng MRT3.

Tuwing gabi pagkatapos ng revenue hours pinapatakbo ang tren sa bilis na 65kph alinsunod sa requirements ng test run.

Kapag natapos ang test run ng naturang tren, saka lang magkakaroon ng final acceptance ang DOTC para sa mga oorderin pang mga tren hanggang makumpleto ang labing anim na bagong tren ng MRT3 sa 1st quarter ng 2017.

(Macky Libradilla / UNTV Radio Correspondent)

Tags: , ,