50 pamilya, naapektuhan ng sunog sa Barangay Obrero, Quezon City

by Radyo La Verdad | March 22, 2018 (Thursday) | 10817

Nanatili sa senior citizen hall sa Barangay Obrero ang nasa 50 pamilya na naapektuhan ng sunog sa Makabayan Street, Quezon City na nag-umpisa alas singko kahapon.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nasa 25 bahay ang nasunog at umabot sa ikatlong alarma ang sunog bago tuluyang naapula alas sais ng gabi.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagmula ang sunog sa bahay ng isang Jojo Jamasi.

Ayon sa mga naapektuhang residente, hindi na nila nagawang makapagsalba pa ng mga gamit dahil sa bilis ng pagkalat ng apoy.

Ayon naman kay Brgy. Captain Litz Ruiz, mga informal settlers ang mga pinaka-naapektuhan lalo na at pawang gawa sa light materials ang mga bahay nito.

Ilang residente naman ng Barangay Obrero ang nagtulong-tulong upang makapagbigay ng kahit kaunting tulong sa naapektuhan ng sunog. Wala namang nasaktan dahil sunog.

Sa kasalukuyan ay iniimbestigahan pa ang pinagmulan ng apoy.

Tinitingnan ng mga otoridad na problema sa koneksyon ng kuryente ang sanhi nito.

 

( Reynante Ponte / UNTV Correspondent )

Tags: , ,