50 paaralan sa Metro Manila pinayagan ng DepEd ng magtuloy ng blended learning

by Radyo La Verdad | November 3, 2022 (Thursday) | 36657

METRO MANILA – Aminado ang Department of Education (DepEd) na malaking hamon parin sa mga paaralan hanggang ngayon ang kakulangan sa pasilidad ng ilang eskwelahan dahil sa pagtaas ng enrollment rate.

Ayon kay DepEd Spokesperson Atty. Micheal Poa, papayagan parin nila ang blended learning ngunit sa mga paaralan na nakararanas ng congestion ng estudyante at mga eskwelahan na tinamaan ng kalamidad.

Sa Metro Manila, 94% sa 827 public school sa rehiyon ang nag-resume na sa 5-day in-person classes, pero 6% o 50 sa kabuoang bilang ang nag-apply para maging exempted at ituloy parin ang blended learning.

Sa kabila ng mga hamon sa pasilidad sa mga silid aralan, tiniyak parin ng kagawaran na mahigpit parin na ipatutupad ang minimum health protocols sa mga paaralan.

Ayon sa DepEd naging maayos at walang naitalang untoward incidents sa unang araw ng full in-person classes kahapon (Nov. 2).

(Janice INgente | UNTV News)

Tags: , ,