50% ng mga probisyon sa draft ng BBL mababago- Sen. Marcos

by Radyo La Verdad | June 18, 2015 (Thursday) | 2286

marcos
Marami ang pagbabago sa magiging bersyon ng Senado kumpara sa orihinal na bersyon ng panukalang Bangsamoro Basic Law ,mula sa Malakanyang..

Ito ang muling ipinahayag ni Senador Ferdinand Marcos Jr, Chairman ng Senate Committee on Local Government

Ayon sa senador halos 50% ng proposed BBL ay mababago kapag inilabas na nila ang binabalangkas na Substitute Bill.

Ito ay sa dahilang nais nilang masiguro na hindi na ito makukuwestiyon pa ng Korte Suprema.

Sinabi ni Senator Marcos, magmumula sa 19 na miyembro ng kanyang komite ang inputs para sa Substitute Bill.

Kasama rin sa irereconcile ay ang mga report mula naman sa Senate Committee on Peace Unification and Reconciliaition at Committee on Constitutional Amendment and Revision of Codes.

Gayunpaman, ang Committee on Local Government ang magsasagawa ng final report ukol sa proposed BBL.

Tags: