50 motorbikes na ipinagkaloob sa local police, binawi ng Zamboanga City Gov’t

by Radyo La Verdad | September 13, 2016 (Tuesday) | 2484

dante_binawi
Ikinadismaya ang Zamboanga City Government ang umano’y hindi wastong paggamit sa mga ipinagkaloob na motorsiklo sa local police.

Kabuoang limangpung kawasaki rouser motorcycle ang ipinagamit sa lokal na pulisya partikular sa Police Station 11 sa na pinakasentro ng lungsod upang magamit sa pagpapatrolya at pagpapaigting ng police visibility.

Ngunit ayon sa alkalde, kakaunti lamang ang kanilang nakikitang nagpapatrolya kaya naman agad pina-recall ang mga ito ng lokal na pamahalaan.

Ipinauubaya naman ni Mayor Climaco ang pangangasiwa sa mga ini-recall na motorsiklo sa city police director.

Sa ngayon ay mayroong mahigit sa isangdaang motorcylce units ang City Police Office bukod pa ito sa mga sasakyang ginagamit sa pagpapatrolya.

(Dante Amento / UNTV Correspondent)

Tags: ,