50 kahon ng smuggled na sigarilyo, nasabat sa baybayin ng Zamboanga City

by Erika Endraca | November 20, 2020 (Friday) | 1196

Mahigit 50 na smmugled na sigarilyo ang nasabat ng Maritime Police sa baybayin ng Zamboanga City nitong Miyerkules (Nov.18).

Pasado alas-10 ng gabi ng masundan ng mga otoridad ang isang bangka sa bahagi ng mangrove area ng Brgy Talon-Talon.

Agad namang inaresto ang anim na crew nang walang maipakitang karampatang papeles.

Sa ngayon, nasa kostodiya na ng Bureau Custom ang mga kontrabando habang inihahanda ang kaso laban sa mga suspek.

Nitong Lunes (Nov. 16), 300 sako naman ng smuggled na sigarilyo ang nasabat ng maritime police sa lungsod. At aabot naman sa siyam na milyong piso ang nakumpiska sa karagatang ng basilan.

At halos 40 cases naman ang nasabat ng Philippine Coast Guard sa karagatang sakop ng Sulu nitong Martes (Nov. 17).

Pinaniniwalaan ng mga otoridad na galing Indonesia at Malaysia ang mga kontrabado at dinadala sa ibat-ibang lugar sa Mindanao. Madali kasi itong ibenta kumpara sa mga locally-produced na sigarilyo.

(Mariane Joyce Marco | La Verdad Correspondent)

Tags: